Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng anti-COVID-19 vaccine na likha ng Sinovac.
Sa kanyang lingguhang ulat sa bayan, idinepensa ni Pangulong Duterte ang pasiya ng pamahalaan na maunang kumuha ng bakuna sa Sinovac sa kabila ng mga kuwestiyon sa efficacy rate at presyo nito.
Ayon sa Pangulo, bago pa lamang ang usapin sa mga nilikhang bakuna kontra COVID-19, kanya nang tinawagan si Chinese President Xi Jinping upang agad na makuha ng suplay oras na maging available na ito.
Kaugnay nito, tila kinutsa rin ni Pangulong Duterte ang mga Senador na mas pabor sa bakunang likha ng Pfizer-BioNTech.
Ito ay nang banggitin ng Pangulo ang ulat hinggil pagkamatay ng ilang nakatatanda at mga may sakit sa Norway matapos maturukan ng naturang bakuna.