Umabot na sa labindalawang (12) tren ang bumabiyahe sa Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.
Ayon kay Michael Capati, Operations Head ng MRT, umaasa silang ito na ang pagsisimula ng gumagandang serbisyo ng naturang mass transit.
Nagsimula umanong madagdagan ang tren alas-6:00 ng umaga kahapon.
Dahil dito pitong minuto na lang ang pagitan ng biyahe ng bawat tren.
Magugunitang noong Enero 22 pa pinakahuling nakabiyahe ang ganitong karaming tren ng MRT.
—-