Mahigpit na nakabantay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sitwasyon nang bumagsak na bahagi ng Skyway stage 3 segment 2A sa Pandacan, Maynila matapos maapektuhan ng malaking sunog nuong Sabado.
Ipinabatid ni Anna Mae Lamentillo Chair ng Builb, Buld, Build Committee ng DPWH na iniimbestigahan na at ina assess na nila ang insidente para makita ang lawak ng pinsala.
Magugunitang bumigay ang bahagi ng tulay na inabot ng sunog sa tumupok na bodega ng planta ng plastic na pag aari ng San Miguel Corporation.
Kabilang ang bahagi ng Skyway sa priority projects para masolusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.