Posibleng natamnan ng bomba ang Russian passenger jet na bumagsak sa Sinai Peninsula sa Egypt at kumitil ng 224 na pasahero.
Batay sa assessment ng US intelligence community, maaaring may nadalang bagahe na may lamang bomba ang Russian plane.
Maging ang Britanya ay nagpahayag na rin ng paniniwala na bomba ang naging dahilan ng pagbagsak ng Russian plane.
Dahil dito, sinabi ni British Foreign Minister Philip Hammond na pansamantala nilang ipinagbabawal ang paglapag at paglipad ng British planes mula sa Sharm El- Sheikh Airport.
Kasabay ito ng matinding babala ng Britanya sa kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang maglakbay sa pamamagitan ng Sharm El-Sheikh Airport.
By Len Aguirre