Kinasuhan na ng libel at perjury ng Department of Justice o DOJ ang bumaliktad na testigo ng Maguindanao massacre case.
Ayon kay Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu, hindi dapat masira ang takbo ng kaso dahil sa pagkambiyo ni Jerramy Joson.
Si Joson ang nagbunyag ng talamak na suhulan sa ilang humahawak ng kaso at sinasabing may hawak ng notebook na nagsisilbing listahan ng mga nakinabang sa suhulan.
Magugunitang sinabi ni Joson sa kaniyang pagbaliktad na ginamit lamang umano siya nina Mangudadatu at abogado nitong si Atty. Nena Santos para isiwalat ang kaniyang nalalaman.
By Jaymark Dagala