Nagdagdag ng 6 pang bangka ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Pasig River Ferry service nito.
Ayon kay MMDA Ferry Service Head Rod Tuason, mayroon nang 16 na bangka sa buong sistema.
Sinabi ni Tuason na kaya nagdagdag sila ng mga bangka ay dahil sa unti-unting pagdami ng mga tumatangkilik dito.
Ang pasahe sa ferry ay pumapalo mula P30 hanggang P95, depende sa destinasyon, habang bawat bangka ay kayang magsakay ng 25 hanggang 30 pasahero.
Passengers
Parami ng parami ang mga pasaherong sumasakay sa Pasig River Ferry System.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, tinatayang nasa 500 pasahero ang sumasakay sa Pasig Ferry kada araw.
Naniniwala ang MMDA na marami na ang tumatangkilik sa kanilang ferry di hamak na mas mabilis ang biyahe dahil sa loob lamang ng 45 minuto ay mararating na ang Maynila mula Pasig.
Sa darating na Marso, bubuksan naman ng MMDA ang bagong istasyon nito ng ferry sa Rosario, Pasig City.
Tiniyak naman ng MMDA na hindi na wala na ang masangsang na amoy ng Ilog Pasig dahil sa regular na paglilinis dito.
By Jelbert Perdez | Ralph Obina