Umabot na lamang sa pito (7) ang tumakbong tren ng MRT ngayong Miyerkules, Enero 24.
Ito, ayon kay MRT Media Relations Officer Aly Narvaez, ang pinaka-mababang bilang ng tren na kanilang pinatakbo sa nakalipas na tatlong taon bunsod ng electrical failure sa motor at braking system.
Dahil dito, muling naperwisyo ang daan-daang pasahero na tiniis ang napakahabang pila sa mga istasyon na sinabayan pa ng rush hour ng umaga.
Bago mag-5:00 naman ng hapon, tatlong beses nagtanggal ng tren sa linya dahil din sa electrical failure sa motor at braking system.
Nag-ugat naman aniya ang kakulangan ng spare parts sa kabiguan ng dating maintenance provider dahil hindi sila nakapag-procure ng mga piyesang kailangan sa pagmamantena ng mga bagon.
Sa halip aniya na pinapalitan ng bagong spare parts ang mga bumibigay na bahagi ng mga bagon ay pinapalitan ito ng kaparehong component mula sa isa pang coach.