Opisyal nang sinimulan ng Commission on Election (Comelec) at ng Vote Pilipinas ang kanilang kampanya para sa voters education.
Ito ay para himukin ang publiko na bumoto ng tama para sa 2022 national at local elections.
Sa event signing ng Comelec at Vote Pilipinas, layon ng kampanyang #bumotoka campaign na itaas sa 10% ang voter turnout.
Sa pamamagitan ito ng isasagawang caravan at webinars sa buong bansa na magaganap mula Pebrero hanggang Abril.
Magkakaroon din ng dashboard ang Vote Pilipinas kung sa ilalagay ang factual information para sa mga kandidato sa pangulo, pangalawang pangulo, senador at party-list.
Tinatayang nasa 67.5 milyong pilipino ang boboto para sa darating na eleksyon sa Mayo a-nuwebe. —sa panulat ni Abby Malanday