Inirerekomenda ng isang mambabatas sa ilang ahensya ng pamahalaan ang pagbuo ng isang grupo na mag-momonitor at mag-fa-facilitate ng procurement o pagbili ng pribadong sektor sa bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay ang Probinsyano Party-List Representative Ronnie Ong, ang naturang suhestyon sa Health Department at National Task Force against COVID-19 ay para masiguro na agarang madedeliver ang mga bakuna.
Dagdag pa ni Ong, layon ng naturang grupo o team na tulungan ang pribadong sektor na makuha ang bakuna nang walang delay o anumang balakid.
Sa huli, giit ni Ong na dapat tutukan ang pribadong sektor dahil masasabing nakadepende rito ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.