Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na gumawa ng task force na tututok sa magiging implementasyon ng ikatlo at huling round ng dagdag na excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Gatchalian, layon nitong maprotektahan ang mga konsumer laban sa hindi makatwirang dagdag presyo sa langis at profiteering.
Sa huling tranche ng implementasyon ng tax reform acceleration and inclusion law na epektibo simula kahapon January 1, tinatayang nasa P1.12 per liter ang dagdag na presyo sa gasolina, P1.68 per liter sa diesel at P1.12 per liter naman sa kerosene.
Sinabi ni Gatchalian na posibleng manamantala ang maraming negosyante kung saan ibebenta ng mas mahal ang kanilang lumang stock gayong dapat ang papatawan ng dagdag na excise tax ay sa mga bagong stock.