Kumbinsido si health secretary Francisco Duque III na ang pagsunod sa minimum health standard ng publiko at vaccination program ng gobyerno ang susi sa pag-angat ng Pilipinas sa COVID-19 recovery rankings ng Nikkei Asia.
Partikular na tinukoy ni Duque ang pagsusuot ng facemask ng publiko at mataas na vaccination coverage na umabot na sa 77 percent ng 90 million na target population.
Sa datos ng Department of Health hanggang nitong June 4, 2022, 71 million na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 67 million ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang dose.
Gayunman, mahigit 14.2 million individuals pa lamang ang naturukan na ng booster shot.
Ipinagmalaki rin ng kalihim na wala ng malawakang community lockdowns sa bansa sa gitna ng umiiral na Alert level 1.
Nananatili ang Pilipinas sa low-risk classification sa COVID-19 sa kabila ng pagtaas ng kaso sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 10 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.