Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na pamahalaan ang pagtugon kaugnay sa pagputok ng bulkang Taal.
Sa pulong balitaan matapos pasinayaan ang LRT Line 2 East Extension Project kahapon, sinabi ng pangulo na walang pangangailangan sa ngayon para magpatawag siya ng command conference.
Binigyang diin ng pangulo na mas nais niyang makita ang mga local chief executives na apektado ng pagputok ng bulkang Taal na nagtatrabaho sa halip na i-asa lamang sa national government
“Formation of Goverment anong pangyayari nandiyan sina Atty. Abalos kanila yan yung ibang trabahante ko hindi ko nakita baka nahulog doon sa butas. I was expected to see them here rather we will raise the alert on the level that it should now is just a rambling and its spewing …. I dont know if its really apektado raw tayo but its not really a big concern at this time.”
Nagawa pang magbiro ng pangulo nang sabihin nito na tatakpan na lamang niya ang bunganga ng bulkan upang tumigil na ang pag-aalburuto nito.
“Not neccesarily di ko malaman kung dumaan naman kami kanina konti man nalaman ko siguro lagyan ko lang ng cup yung butas…. taal na yan.”
—Ulat mula kay Patrol 17 Jopel Pelenio