Kinumprima ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na binakunahan ng kontrobersyal na Dengvaxia ang Presidential daughter na si Veronica “Kitty” Duterte at dalawang anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Ito, ayon kay Go, ay batay sa impormasyong natanggap niya mula sa common law wife ng Pangulo na si Honeylet Avanceña nang bumisita ito sa Tacloban City, Leyte, kahapon.
Hindi naman idinetalye ng Palace official kung kailan tinurukan ang bunsong anak at dalawang apo ni Pangulong Duterte.
Magugunitang inihayag ng Palasyo na lilikha ang Punong Ehekutibo ng panel of experts na tututok sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine na sinisisi sa pagkamatay ng mahigit 80 bata sa nakalipas na mahigit isang taon.
—-