Wala pang isang buwan mula ng ikinasal sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, isa na naman miyembro ng pamilya Sotto ang malapit na ring ikasal.
Kagabi kasi ay na-engaged na ang bunsong anak ni Bossing Vic na si Paulina sa kanyang long time boyfriend na si Jed Salgado Llanes.
Ginanap ang engagement ni Paulina at Jed sa isang private party kasama ang kanilang mga pamilya.
Sa larawan na pinost ng panganay na kapatid ni Paulina na si Danica, makikitang kumpleto ang mga anak ni Bossing Vic kasama ang kanilang mga asawa at si Pauleen.
Si Paulina ay anak ni Bossing sa dating model actress na si Angela Luz.
Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan at saan gaganapin ang kasal ng dalawa.
By Krista de Dios
Photo: Screengrab from niceprintphoto/Instagram