Isang buntis na kukuha sana ng resulta ng kaniyang COVID-19 swab test ang biglang napaanak habang lulan ng tricycle sa Quezon City.
Hindi na nadala sa ospital si Angeline Rodriguez at ang mga contact tracer na lang ang tumulong sa kanyang manganak.
Kinilala ang mga contact tracer na sina Jocelyn Caliwanagan, Aileen Grace Nimer at Perwina Malat.
Maayos namang nailuwal ni Rodriguez ang kanyang anak na lalaki dahil pawang may medical background ang mga contact tracer na sumaklolo sa kanya.
Nakalabas na ng ospital si Rodriguez at ang kaniyang anak habang nagpasalamat siya sa mga contact tracer na tiyempong nakasabay niya sa biyahe. —sa panulat ni Drew Nacino