Tumagal ng limang oras ang naging pagpupulong nila incoming president Rodrigo duterte at ng mga uupong gabinete nito.
Ayon sa bagong presidential spokesman na si ernie abella, wala namang mabibigat na usapin ang tinalakay sa nasabing pulong.
Aniya, binigyan lamang ng pagkakataon ang mga bagong maninilbihan sa gabinete ng pangulo na kilalanin ang isa’t isa.
Pinaki-usapan lamang din sila ni duterte na magtulungan para maging maayos ang kanilang pagtatrabaho sa loob ng anim na taon
By: Jaymark Dagala