Mananatili sa alert level 2 ang buong bansa sa nalalabing dalawang linggo ng taong ito.
Sa gitna na rin ito ng patuloy na hamon ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay Acting Spokesperson Karlo Nograles, nagkasundo ang IATF na panatilihin sa alert level 2 ang buong bansa mula bukas, December 16 hanggang 31.
Dahil dito, sinabi ni Nograles na mananatili rin sa 50% ang capacity indoors para sa fully vaccinated adults at 70% capacity outdoors sa ilang establishment at activities. — Sa panulat ni Airiam Sancho