Nasa low risk classification na sa Covid-19 ang lahat ng probinsya sa Calabarzon
Ito ay matapos ibaba sa low risk classification ang Batangas dahil sa pagbuti ng health care utilization at positivity rate.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, bumaba sa 31% ang hospital bed occupancy sa probinsya mula sa dating 36%.
Habang bumaba sa 8% mula sa 10% ang positivity rate o bilang ng mga indibidwal na nahahawa sa Covid-19 sa Batangas.
Ang Calabarzon ay kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. —sa panulat ni Abby Malanday