Sa kabila ng mga pagtutol ng ilang sektor, pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang seremonya bilang hudyat sa pagsisimula ng K-12 program ng DepEd o Department of Education.
Ang tema ng aktibidad ay “sa K-12, Kayang-Kaya, Sama-Sama!” kung saan dinaluhan ng mga opisyal ng edukasyon, mga estudyante, mga kawani ng gobyerno, pribadong sektor, mga magulang at iba pang stakeholders.
Sa kanyang talumpati sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, ipinagmalaki ni Pangulong Aquino ang programa at hudyat na rin aniya ito ng committment ng administrasyon sa pagpapaganda ng basic education sa bansa.
Umaasa si Aquino na magsisilbing inspirasyon ang K-12 program sa mga Pilipino bilang bahagi ng reporma ng edukasyon at magpapatuloy ito kahit tapos na ang Aquino administration.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)