Isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cagayan bunsod ng nararanasang malawakang pagbaha sa probinsiya dulot ng bagyong ‘quiel’.
Ginawa ang deklarasyon matapos ang special session na isinagawa ng Sangguniang panlalawigan kahapon.
Dahil sa naging deklarasyon, maari nang magamit ang calamity fund ng probinsiya para sa pagbibigay ayuda sa mga bayan na lubog sa baha gaya ng Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Gonzaga, Sta. Ana at Baggao.