Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa lahat ng pamahalaan na gumawa na ng aksyon laban sa novel coronavirus (nCoV).
Ayon sa WHO, kailangan na maging alerto ng buong mundo sa sakit.
Nagpatawag na ng urgent meeting ngayong araw ang WHO sa kanilang emergency committee para muling pag-usapan ang sakit.
Tutukuyin din sa pagpupulong kung magdedeklara na ba ng global health emergency.
Magugunitang umabot na sa higit 100 ang namatay sa nCoV at higit 6,000 na ang apektado.