Dapat kumilos na ang buong mundo kontra climate change.
Ito ang babala ng World Bank kaugnay ng ulat na tataas kaso ng mga sakit, maraming pananim ang masisira habang nasa 100 milyong katao sa buong mundo ang masasadlak sa kahirapan dahil sa global warming.
Sa pagtaya ng World Bank, kung di papaspasan ang pag-aksyon kontra climate change, papalo sa 100 milyon katao ang madaragdag sa bilang ng mga naghihirap sa buong mundo pagsapit ng 2030.
Maliban dito, nasa limang porsyento ng mga pananim ang mawawala pagsapit ng 2030 habang nasa 30 porsyento naman ang malulugi sa sektor ng agrikultura pagsapit ng 2080.
Inaasahan din na tataas naman ng 12 porsyento ang presyo ng mga bilihing pagkain sa Africa dahil sa mga nabanggit na problema.
By Ralph Obina