Dapat saklaw ng ipinalabas na Temporary Restraining Order o TRO ng korte ang buong operasyon ng uber at grab taxi.
Ito ang iginiit ng Stop and Go Coalition kasunod ng ginawang paglilinaw ng Quezon City Regional Trial Court na registration proses lamang ng uber at grab ang kanilang pinigil.
Ayon kay Atty. David Erro, abogado ng grupo, hindi aniya maaaring hindi saklaw ang operasyon ng uber at grab dahil ito ang ugat ng kanilang reklamo.
Binigyang linaw din ni Erro na ang inihain nilang petisyon para sa TRO ay ang mismong department order ng DOTC na pumapayag sa operasyon ng uber at grab na nasa ilalim ng transport network companies.
By Jaymark Dagala