Isinailalim na sa state of calamity ang buong Ormoc City dahil sa lawak ng pinsalang tinamo nito mula nang tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte noong isang linggo.
Kasunod nito, nagpasya na rin si Ormoc City Mayor Richard Gomez na suspendihin ang klase sa mga paaralan ngayong araw dahil sa sunud-sunod na mga aftershock na naranasan kahapon.
Giit ng alkalde, mananatiling suspendido ang klase sa mga paaralan hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang inspeksyon sa mga paaralan kung saan, nasa mahigit 100 silid-aralan ang lubhang napinsala.
Kasunod nito, sinabi ng alkalde na nananatili pa ring walang suplay ng kuryente sa kanilang lugar na siyang dahilan para kapusin sila ng malinis na inuming tubig.
By Jaymark Dagala
Ormoc City isinailalim sa state of calamity was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882