Isasailalim sa highest alert ang buong Pilipinas dahil sa inaasahang pagdalo ng mga world leaders sa ASEAN Summit sa Nobyembre.
Ayon Ambassador Marciano Paynor, Director General for Operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council, handa na ang bansa sa pagdating ng mga head of states at United Nations Secretary General Antonio Guterres.
Kumpirmado ring dadalo sa ASEAN Summit si Canadian Prime Minister Justin Trudeau at European Council President Donald Tusk.
Samantala, sinabi ni Paynor na maraming mga lider ang nag-request ng bilateral talks kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit tanging dalawa lamang dito ang mapagbibigyan.
Isa nga sa mga kumpirmadong makakausap ng Pangulo ay si US President Donald Trump kung saan inaasahang tatalakayin ang ilan sa mga mainit na isyu sa rehiyon.
—-