Ipinag-utos na ni NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde ang pagsibak sa buong community precinct ng Pasay City Police Station.
Sinabi ni Albayalde na 35 pulis kasama ang kanilang commander ng police community precinct 3 sa Pasay City ang sinibak nila.
Kasunod na rin ito ng reklamo laban sa mga nasabing pulis sa pagbubulsa ng perang ninakaw sa isang biktima.
Hindi na nagbigay ng dagdag na detalye sa isyu si Albayalde.
(Ulat ni Jonathan Andal)