Naka-heightened alert na ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng nalalapit na Kapaskuhan.
Nilinaw ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na ang pagtataas ng alerto ay walang kinalaman sa ipinalabas na worldwide travel alert ng Estados Unidos kahapon.
Ayon kay Marquez, walang namo-monitor na anumang terror threat ang PNP sa gitna ng serye ng mga pag-atakeng ginagawa ng Jihadist Islamic State.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay naka-full alert naman ang PNP dahil sa idinaos na APEC Summit.
By Ralph Obina