Handang-handa na ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines o AFP para sa kanilang gagawing pagbabantay sa Lunes, araw ng halalan.
Kasunod nito, paiigtingin na ng AFP ang kanilang mga checkpoints partikular sa mga lugar na tinukoy bilang areas of immediate concern o election hotspot.
Gayunman, sinabi ni AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, na hindi pa nila itinataas ang full alert status sa buong hanay ng militar.
Nais lamang nilang makatiyak na mahigpit ang magiging pagbabantay ng Sandatahang Lakas laban sa mga grupong nagtatangkang gumawa ng hindi maganda sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9.
Election requirements delivery
Nakumpleto na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paghahatid ng mga election paraphernalias sa mahigit 80 lalawigan sa bansa.
Ayon kay Brig/Gen. Restituto Padilla, patuloy naman sa ngayon ang pagbiyahe ng mga makinang gagamitin sa eleksyon patungo naman sa mga bayan o munisipalidad.
Aktibo aniya ang kanilang mga tauhan sa ground para umalalay sa mga convoy, pagsasagawa ng clearing at security operations gayundin sa pagpapatrulya.
Anim na helicopters din mula sa philippine airforce ang ginagamit ngayon at kasalukuyang nakakalat sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
By Jaymark Dagala