Pinagtatanggal na sa puwesto ang lahat ng pulis sa Caloocan-PNP.
Ayon kay NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde, ito’y dahil sa mga nangyaring kontrobersyal na pagkamatay ng ilang menor de edad sa Caloocan.
Kanina sinimulan nang sibakin sa puwesto ang mga tauhan sa Station 7 at isusunod nila sa mga darating na araw ang iba pang istasyon ng pulisya sa Caloocan.
Ayon kay Albayalde, ipapalit sa Caloocan police ang mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion ng NCRPO at ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management Contingent na gagamitin sa ASEAN.
Sa ngayon, sinabi ni Albayalde na isasailalim muna sa retraining ang mga Caloocan police.
—-