Umapela ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko na huwag munang gumawa ng conclusion sa usapin nang pagkamatay ng maraming alagang baboy.
Ito, ayon kay BAI Director Ronnie Domingo, ay para hindi mangyari sa bansa ang nangyari sa Malaysia.
Ipinabatid ni Domingo na sa Malaysia, gumawa ng mga hakbangin ang mga otoridad laban sa sakit na Japanese encephalitis subalit kalaunan ay natuklasang Nipah virus ito na nangangahulugang nagkaroon ng maling diagnosis.
Una nang inihayag ni Agriculture Secretary William Dar na hindi pa matukoy kung anong sakit ang tumama sa mga alagang baboy kaya’t nangamamatay ang mga ito.