Nais ng Bureau of Correction (BuCor) na mag-hire ng mga panibagong tauhan upang magsilbing “nucleus” ng ahensya.
Ayon kay BuCor OIC Gregorio Catapang Jr., nakahanda na ang nasa 1,000 job vacancies sa burokrasiya.
Isasagawa naman ang naturang job fair bukas, November 7 kasabay ng ika-117 anibersaryo ng ahensya.
Ayon kay Catapang, nais niyang i-reporma ang BuCor at ituro sa mga bagong BuCor officer ang mga itinuro sa kanya ng Philippine Military Academy.
Ginawa ni Catapang ang pahayag matapos nitong ibunyag ang mga maling kagawian sa New Bilibid Prison kung saan ilang BuCor at BJMP personnel ang natukoy na nasa likod ng pagpasok ng ilang kontrabando.—mula sa panulat ni Hannah Oledan