Pinagpapaliwanag ng Department of Justice ang Bureau of Corrections o BuCor hinggil sa nangyaring sunog sa Leyte Penal Colony.
Inihayag ito ni Justice Secretary Leila De Lima makaraang ipag-utos nito sa ahensya ang pagsasagwa ng malalimang imbestigasyon sa insidente na ikinasawi ng 10.
Ayon sa kalihim, nais niyang malaman kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng BuCor officials doon kaya nangyari ang sunog
Sinasabing pawang mga bilanggo ang sampung bangkay na nakuha sa maximum security compound ng bilangguan kung saan, agad itong kinilala at ipinaalam sa mga ka-anak
Kasunod nito, nagpahayag naman ang Bureau of Fire Protection o BFP ng kahandaang tumulong dahil sa dami ng mga nasawi.
By: Jaymark Dagala