Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) na nahigitan nila ang kanilang revenue collection target sa unang bahagi ng taon.
Ayon sa BOC, nakapagtala ito ng P433.4 bilyon na revenue collection mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Mas mataas ito ng 3.04 %o P12.768 bilyon kumpara sa naunang target na P420.7 Bilyon na sinasabing bunga ng pinahusay na sistema sa pagtukoy sa customs’ value.
Sinabi pa ng customs na ito’y bilang tugon sa 5-point priority program na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.