Isusulong ng House Committee on Way and Means ang pagbuwag sa Command Center ng BOC o Bureau of Customs.
Ayon kay Congressman Dakila Carlo Cua, pinuno ng nasabing komite, dapat lamang na buwagin ang Command Center ng BOC dahil nabigo itong pigilan ang pagpasok ng mahigit 6 na Bilyong Pisong halaga ng shabu sa bansa.
Hindi rin aniya nito nagawa ang paghihigipit sa kanilang sistema sa mga pumapasok na kontrabando sa bansa at bagkus ay naidaan pa sa greenlane.
Puno rin aniya ng kurapsyon ang Command Center tulad na lamang ng isiniwalat ng importer broker na si Mark Taguba na ilang opisyal ng BOC ang tumatanggap ng suhol para makapasok ang mga shipment.