Muling nakasabat ang Bureau of Customs ng mga luxury vehicle na ipinuslit sa Manila International Container Port, kahapon.
Inabondona sa Port Area ang ilang container van na naglalaman ng mga “super car” na kinabibilangan ng isang Ferrari F430 at dalawang Lambourghini Murcielago na pawang “undervalued.”
Ayon sa customs, mahigit isang buwan na sa “yarda” ang mga kontrabandong idineklara sa halagang 17 million Pesos o mas mababa ng halos 3 Million Pesos sa tunay na halaga.
Nagmula ang mga sasakyan sa United Arab Emirates na plano namang i-auction o ibenta.