Handang-handa na ang Bureau of Fire Protection para sa pagsisimula ng Fire Prevention Month ngayong araw.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Fire Senior Superintendent, Analee Atienza na karamihan sa naitalang sunog ngayong panahon ng tag-init ay sa mga residential area.
Dahil dito, iminungkahi ni Superintendent Atienza ang pagsasagawa ng Edith upang mabawasan ang pagpapanic sa oras na magkaroon ng sunog.
Kasunod nito, hinimok ng bfp official ang publiko na makibahagi sa iba’t ibang programa ng ahensya upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.
Samantala, tiniyak din ni superintendent atienza na alisto at tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng bfp sa mga lokal na pamahalaan maging sa mga water companies upang matiyak na walang magiging aberya sa pagresponde sa mga insidente ng sunog. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma