Naka-heightened alert na ang Bureau of Fire Protection o BFP para sa paggunita sa Araw ng mga Patay simula bukas, October 27 hanggang November 2.
Ipinabatid ni Department of Interior and Local Government o DILG-OIC Catalino Cuy na inutusan na niya ang BFP na magsagawa ng fire safety inspections sa mga lugar kung saan inaasahang dadagsain tulad ng mga terminal, pier, mortuary chapels, columbaria at mga sementeryo.
Tiniyak din ni Cuy ang paged-deploy sa mga pampublikong lugar ng mga ambulansya at emergency medical teams kaugnay sa Oplan Kaluluwa operations ng BFP.
—-