Covid-19 free na ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan sa buong bansa.
Kasabay ito ng pagbubukas ng mga airports na nagsimula noong Pebrero a-diyes.
Ayon sa BI, wala nang aktibong kaso ng covid-19 sa nasa walong-raang personnel sa kanilang hanay.
Sa nasabing bilang, 622 sa mga ito ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, habang ang iba ay naka-destino sa Mactan, Clark at sa Davao.
Sa ngayon, mas naging maayos na ang pagbibigay serbisyo ng BI sa mga paalis at paparating na pasahero.—sa panulat ni Abby Malanday