Hinikayat ng BI o Bureau of Immigration ang lahat ng dayuhang naka-rehistro sa ahensya na mag-report ng personal simula Enero hanggang sa Marso sa susuonod na taon.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang dayuhang mabibigong sumunod sa naturang kautusan ay posibleng pagmultahin o kaya naman ay makulong.
Sa ilalim ng 1951 Alien Registration Act, ang mga dayuhang naninirahan sa Pilipinas na mayroong immigrant or non – immigrant visa at holder ng alien certificate of registration identity card ay dapat na magreport sa main office ng immigration, participating BI field offices at extension offices.
Hinikayat ng ahensya ang mga dayuhan na maagang magparehistro at huwag nang hintayin ang deadline para maiwasan ang makipagsiksikan.