Inamin ng Bureau of Immigration (BI) na marami pa ring mga pasahero sa paliparan ngayong holiday season.
Ngunit sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na maayos naman ang daloy ng international arrival at departure processing kung saan nananatili aniya itong ‘manageable’ partikular noong bisperas at mismong araw ng Pasko.
Bagama’t nasa apat na libo o 4,000 ang ‘arrival cap’ ng inbound passengers, sinabi ni Morente na posibleng hindi na ito tumaas pa dahil sa banta ng Omicron variant.
Samantala, pansamantalang pinagbabawalan ang mga frontliners sa paliparan na mag-file ng vacation leave ngayong holiday season para ma-accommodate ang mga biyahero.