Nagbabala sa publiko ang Bureau of Immigration kaugnay sa mga pekeng ahente na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensya.
Ayon kay immigration (BI) commissioner Jaime Morente, maraming mga pekeng immigration agent ang nangha-harass at nangingikil umano sa mga dayuhan.
Isinabi pa ni Morente na lahat ng legal notices ng kanilang ahensya ay ipinapadala mismo sa mga dayuhan kung saan may BI official letterhead, at pirmado umano ng isang lehitimong empleyado ng kanilang ahensiya.
Maari ding makipag-ugnayan sa kanilang website na www.immigration.gov.ph, upang makatiyak at maiwasan ang ganitong sitwasyon ng pangloloko. —sa panulat ni Angelica Doctolero