Nakatakdang magdagdag ng mahigit isang daang (100) kawani ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang pangunahing pantalan sa bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay Immigration Chief Personnel Officer Griffton Medina, sumasailalim na sa pagsasanay ang mga bagong recruit na mga Immigration officer na may kabuuang bilang na isandaan at isa (101).
Sasanayin umano ang mga ito sa mga batas sa Immigration at sasailalim sa isang buwang on the job training sa paliparan at punong tanggapan ng kawanihan.
Ipinaalala naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kahalagahan na matiyak ang kaalaman ng mga tauhan bago ito mai-deploy bilang mga gatekeeper ng bansa.
—-