Nagdagdag ng mahigit 100 tauhan ang Bureau of Immigration (BI) sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa darating na Semana Santa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inatasan niya ang isang daan at limampung (150) immigration officer na nakatalaga sa main office at iba pang tanggapan sa buong bansa na tumulong sa immigration processing ng mga biyahero.
Aniya, dalawampung (20) immigration officer pa na nasa immigration field offices sa Pampanga, Davao, Aklan, at Cebu ang pinagrereport at pinatutulong sa NAIA.
Dahil dito, kanseldo ang bakasyon ng mga empleyado ng Bureau of Immigration upang makatulong sa mga inaasahang aalis at darating sa bansa.
By Avee Devierte |With Report from Aya Yupangco