Nagpaalala sa airlines ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa mga dayuhan o turistang kulang ang mga dokumentong hinihingi para sa kanilang flights.
Ayon sa Immigration, ang tanging pinapayagan lamang na makapasok ng bansa ay ang fully vaccinated foreigners na may patunay na nabakunahan na laban sa COVID-19.
Bukod pa dito, hihingan din sila ng passport na mayroong visa na hindi bababa sa anim na buwan at isang negative RT-PCR test result. - sa panulat ni Angelica Doctolero