Umabot na sa 8K arrivals ang naitala ng Bureau of Immigration matapos buksan ang pilipinas para sa mga papasok sa dayuhan.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, naitala ito mula nitong Huwebes kung saan 27 hanggang 30% ng mga dumating sa bansa ay mga foreigners.
Apat namang Foreign Nationals ang hindi nakapasok dahil sa isyu sa dokumento kung saan kailangan ang proof of vaccination.
Tiniyak naman ng immigration na magiging mahigpit ang Bureau of Quarantine (BOQ) upang matiyak na lehitimo, nababasa (readable) at nakasunod sa guidelines ang mga papasok na dayuhan. —sa panulat ni Abigail Malanday