Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na ang Bermuda ang nag-iisang bansa na nasa red list ng Pilipinas.
Ang mga bansa o teritoryo na nasa moderate risk ay ang mga yellow list.
Samantala, ang mga pasahero na mula sa green at yellow countries ay kinakailangang sumailalim sa quarantine at testing protocols ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Sa kasalukuyan, nananatiling pina-iiral ang travel restrictions sa international travelers kung saan mga Pilipino lamang, balikbayan at mga dayuhan na may valid at existing visa ang pinapayagang pumasok sa bansa.