Binantaan ni Senador Cynthia Villar na kakasuhan ang mga opisyal ng BPI o Bureau of Plant Industry dahil sa pagtaas ng presyo ng bawang noong mga nakalipas na buwan.
Ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, nakikipagkuntsabahan ang BPI sa mga importer para buhayin muli ang garlic cartel.
Iginiit ni Villar na dapat ay nasa isandaang piso (P100.00) lamang kada kilo ang maximum price ng bawang.
Kasunod nito, nagbabala ang senador na hihilingin niya sa Philippine Competition Commission na imbestigahan ang BPI.
By Meann Tanbio