Nilinaw ng Department of Transportation na hindi nag-kwalipika ang Busan Universal Rail Incorporated o BURI at ang mga joint venture member nito sa bidding para sa tatlong malalaking rail project ng ahensya.
Taliwas ito sa pahayag ni puwersa ng Bayaning Atleta Party-List Rep. Jericho Nograles na kwalipikado ang BURI at Edison Development and Construction upang sumali sa bidding para sa tatlong nabanggit na proyekto.
Ipinaliwanag ng DOTR na ang termination ng kontrata ng BURI bilang maintenance provider ng MRT-3 ang dahilan ng disqualification sa bidding alinsunod sa uniform guidelines for blacklisting of contractors.
Ipinunto rin ng kagawaran na kahit magsumite ng bid ang dalawang kumpanya ay hindi ito nangangahulugan na kwalipikado sila sa bidding process.