Pumalo na sa P16.5M ang kabuuang halaga ng burial at medical assistance na naiproseso na ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay OVP Spokesperson Atty. Rey Munsayac, naglaan ang kanilang tanggapan ng P7.4M sa National Capital Region (NCR) at anim pang OVP satellite offices.
Bukod sa naturang programa, plano din ng OVP na ikunsidera ang pagkakaroon ng dagdag na social services para masuportahan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tulungan ang mga nasa vulnerable sectors lalo na ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Iginiit pa ni Atty. Munsayac ang plano hinggil sa pagtatayo ng permanenteng OVP office upang masiguro ang stability o pagpapanatili ng kanilang operasyon.