Bubuksan sa publiko simula sa Huwebes, Agosto a-kwatro ang burol ni yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos (FVR) sa Heritage Park sa Taguig.
Ayon sa apo ni Ramos na si Sam Ramos-Jones, naka-reserba para sa piling mga indibidwal ang ilang oras ng burol.
Gayunman, bubuksan ito sa publiko sa Agosto a-siete mula alas-siete ng umaga hanggang alas-dos trenta ng hapon; at sa agosto a-otso mula alas-siete ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.
Samantala, nakatakdang ilibing ang dating pangulo sa agosto a-nuwebe sa Libingan ng mga Bayani.